feature

sang Agkaykaysa Scholar mula sa bayan ng Lal-lo Cagayan ang nagpapasalamat ngayon sa Purok Agkaykaysa Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na inumpisahan sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Manuel Mamba noong siya ay maupo bilang ama ng lalawigan noon pang taong 2016.

Sa kanyang mensahe, ipinagpapasalamat Reylyn Bulusan Battad ang oportunidad na naibigay sa kanya upang mapabilang sa mga Agkaykaysa Purok Scholars para matustusan ang kanyang pangangailangan sa kolehiyo.

“Ang financial assistance na inyong ipinagkaloob ay malaking tulong sa apat na taon ko sa kolehiyo.” Pagbabahagi ng dalaga.

Aniya, dahil sa programang ito, hindi lamang siya nakapag tapos ng Bachelor of Science in Custom Administration kundi’y pumasa rin ito sa 2023 Custom Broker Licensure Examination.

Dagdag pa ni Bulusan, nawa’y magpatuloy ang programang naumpisahan ng Kapitolyo ng Cagayan upang makatulong pa sa maraming kabataang nais makapagtapos ng kanilang pag aaral.

“Maraming salamat Gov, sana maipagpatuloy ang programang ito para makatulong sa mga katulad ko ring naghahangad noong makapagtapos. DA BEST KA GOV!💛” pagpapasalamat ng dalaga.

Ang Purok Agkaykaysa Scholarship Program ng Kapitolyo ay bukas sa lahat ng mag aaral sa lalawigan na higit na nangangailangan ng pangtustos sa kanilang matrikula.

Kada purok sa Cagayan ay may tig-dalawang scholars na tumatanggap ng tulong pinansyal sa Kapitolyo kada taon.

“DA BEST KA GOV ” Read More »

ONE-PROUD-ITAWIT” NA SI JOSEPH BILLEZA MULA SA TUAO, GRAND CHAMPION SA I-SING-WORLD 2023 VOCAL DUET Read More »

ISANG BATANG CAGAYANO NA SI JESU MANZANO, NAG-UWI NG GOLD AT SILVER MEDALS MULA SA WORLD SCHOLAR’S CUP TOURNAMENT OF CHAMPIONS Read More »

CAGAYANO PRIDE! ROBOTICS TEAM NG TUGUEGARAO CITY SCIENCE HIGH SCHOOL, PUMANGATLO SA MAKEX ROBOTICS WORLD CHAMPIONSHIP Read More »

Scroll to Top