Sa ating patuloy na hangarin na mas mapadali at maging abot-kamay ang serbisyong pampubliko para sa bawat mamamayan, malugod naming ipinababatid sa lahat ang iskedyul ng Mobile Registration na isinasagawa ng ating Municipal Civil Registrar.
Ang Mobile Registration ay idaraos sa mga sumusunod na lugar at petsa:
𝗝𝗔𝗡𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟱
– AM Lubo & Sta. Maria (Venue: Lubo Barangay Hall)
– PM Lattac (Venue: Lattac Barangay Hall
𝗙𝗘𝗕𝗥𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟱
– PM San Manuel (Venue: San Manuel Barangay Hall)
𝗙𝗘𝗕𝗥𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟱
– Tabang (Venue: Tabang Barangay Hall)
𝗙𝗘𝗕𝗥𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟱
– AM Balagan (Venue:Balagan Barangay Hall)
– PM Tamucco (Venue: Tamucco Barangay Hall)
𝗙𝗘𝗕𝗥𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟭𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟱
– Niug Norte (Venue: Niug Norte Barangay Hall)
𝗙𝗘𝗕𝗥𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟭𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟱
– Balanni (Venue: Balanni Barangay Hall)
Inaanyayahan ang lahat ng residente na magparehistro at magdala ng mga kinakailangang dokumento tulad ng birth certificate, marriage certificate, at iba pang mahahalagang papeles para sa proseso.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong mas mapabilis ang proseso ng pagrerehistro at upang mas mapagsilbihan ang mga mamamayan na may limitadong access sa munisipyo. Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang maisaayos ang inyong mga dokumento ng pagkakakilanlan.
Para sa higit pang impormasyon o katanungan, maari kayong makipag-ugnayan sa tanggapan ng ating Municipal Civil Registrar.
Magtulungan tayong lahat para sa mas maayos at epektibong serbisyo para sa bawat mamamayan ng ating minamahal na munisipyo!
Office of the Municipal Civil Registrar of Santo Niño-Faire
#MakilahokMagparehistro
#ParaTiIliTiStoNiño
SNPIO: Facebook
MCR: Facebook