ANUNSYO PUBLIKO | Ang Lokal na Pamahalaan ng Santo Niño, sa pakikipagtulungan sa Cagayan Valley Medical Center- Blood Bank at Cagayan Valley-Center for Health Development, Department of Health , ay magsasagawa ng first round ng 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 sa darating na February 13, 2025, araw ng Huwebes sa Municipal Gymnasium (Mayor Leandro Pagurayan Memorial Gymnasium).
Muli, ang aming tanggapan ay kumakatok sa mayroon mga mabubuting puso – be a Fairenian Hero!
Bukas ito sa LAHAT ng healthy individuals na 18 years old hanggang 65 years old, lalo na sa mga Grupo, Samahan, Barkada at iba pa.
—————————
Mga Dapat Tandaan bago mag-donate ng dugo:
• Magpahinga o matulog nang sapat (hindi bababa sa 5 oras na tulog)
• Huwag iinom ng alak 12-24 na oras bago mag-donate
• Kumain bago mag-donate (may snacks po tayo)
• Uminom ng maraming tubig o juice (may water station po tayo sa venue)
Your donation can make a big difference! Let’s come together and give the gift of life.
Ang iyong donasyon ay maaaring makagawa ng malaking pagbabago sa buhay ng makakatanggap nito! Magkaisa tayo at magbigay ng regalo ng buhay.
Para sa katanungan at iba pang impormasyon, mag-email or tumawag / mag-text lamang sa numerong ito.
RHU SANTO NIÑO HOTLINE
: fairemho@gmail.com
: (0953) 194 8128
Source: Sto. Niño Public Information Office (Facebook)