Isang matagumpay na Medical Mission ang isinagawa ng Rotary Club of Tuguegarao Rainbow kasama ang Cheongju Leaders Rotary Club mula sa South Korea noong nakaraang Biyernes sa Municipal Gymnasium. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Joint International Volunteer Service na naglalayong maghandog ng iba’t ibang uri ng serbisyo sa ating mga kababayan.
Kasabay ng medical mission, nagkaroon din ng libreng Hair Grooming at Manicure Services, pati na rin isang Korean Clothing Bazaar. Namahagi rin ng mga regalo para sa mga bata kung saan ang kasayahan at kasiglahan ng munting Sto. Niño’ans ay kitang-kita sa kanilang mga ngiti.
Lubos na pasasalamat kay Sir Christ Vincent Pagurayan, anak ng ating mahal na Mayor Vicente Pagurayan at kapatid ng ating Vice Mayor AV Roxas Pagurayan, sa pagbibigay ng pagkakataong ito siya ay bahagi ng Rotary Club of Tuguegarao, tunay ngang nasasalamin ng kanilang pamilya ang dugong tumutulong at nagseserbisyo publiko. Maghapon silang naglingkod ng may ngiti sa kanilang mga labi, dala ang dedikasyon para sa ikabubuti ng ating mga kababayan.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang ating Vice Mayor AV Pagurayan sa mga bisita natin para sa kanilang serbisyo.
Karangalan po para sa aming mga taga-Sto. Niño na magkaroon ng ganitong gawain sa aming munisipalidad. Kami ay taus-pusong nagpapasalamat sa kanilang tulong at kasipagan, at sa pagbibigay saya sa aming mga kababayan sa buong araw ng aktibidad.
Muli, maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at naglaan ng oras para sa ikabubuti ng ating komunidad. Mabuhay ang Rotary Club of Tuguegarao Rainbow at ang Cheongju Leaders Rotary Club!
Source: Santo Niño Public Information Office (Facebook)
