2-ARAW NA PAGSASANAY SA PAGPAPALIPAD NG DRONE, PINANGUNAHAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAGAYAN

Kasalukuyang isinasagawa ang dalawang araw na Drone Operation Training sa Commissary Building, Capitol Complex, Tuguegarao City.

Katuwang ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) ang DJI Philippines at SkyPixel18 na pangunahing kumpanya ng mga Drone sa bansa kasama ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni CPIO Head Rogelio P. Sending Jr. na isang pambihirang pagkakataon na pangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng CPIO na mabigyan ng oportunidad ang mga kalahok na matuto at masanay sa tamang operasyon ng drone sa anumang uri ng panahon.

Layon ng nasabing aktibidad na sanayin ang mga kalahok sa paggamit at pagpapalipad ng drone na magagamit sa panahon ng kalamidad, mga espesyal at malalaking okasyon at mga kaganapan, at makatutulong sa paghahanap ng mga nawawalang mga indibiduwal sa panahon ng mga aksidente.

Ang dalawang araw na pagsasanay ay nilahukan ng mga miyembro ng Philippine Army (PA), Philippine National Police (PNP), Marines, mga uniformed personnel, rescuers, at iba’t ibang kawani sa mga departamento ng Kapitolyo ng Cagayan.

Tinalakay ang mga usapin hinggil sa basic and advance drone operation, Philippine Air Space Regulations, local or LGU Regulations at iba pang mga paksa kaugnay rito.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top