News

DID YOU KNOW?

The month of JUNE is also the “𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡” as declared by virtue of Proclamation No. 237, S. 1988. And, JUNE 5 (Thursday) as the “𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐃𝐚𝐲”.

With this year’s theme, “𝙀𝙣𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙂𝙡𝙤𝙗𝙖𝙡 𝙋𝙡𝙖𝙨𝙩𝙞𝙘 𝙋𝙤𝙡𝙡𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣”, it is to remind every Filipino that plastic wastes choking our oceans, lakes, and rivers and piling up on land is more than unsightly but detrimental to plants, wildlife and human health. Therefore, this celebration encourage us to protect and develop the environment, as well as to use natural resources sustainably, for the benefit of this and the next generations to come.

Kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño sa pagsulong ng iba’t ibang programa upang maprotektahan ang inang kalikasan.

Source: MENRO (4) Facebook

Philippine Environment Month Read More »

Kasunod ng pinaigting na surveillance dahil sa deklarasyon ng World Health Organization sa mpox (dating monkeypox) bilang isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC), nakapagtala ang DOH ng mga bagong kaso ng MPOX sa Pilipinas. Ang lahat ng mga naunang kaso ay na-isolate, naagapan, at gumaling na sa sakit. Sa kasalukuyan, yung mga bagong kaso ay patuloy pa ring ginagamot.

Mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH), protektahan ang sarili at ang ang buong pamilya laban sa sakit at maling impormasyon. Maging handa sa banta ng MPOX – sundin at tignan ang ilang Health Reminders sa mga larawan sa ibaba. – DOH Philippines

#PublicHealthEmergency

#MPOX

#KalusuganIngatan

#BawatBuhayMahalaga

#ParaTiIliTiStoNiño

📸 Department of Health

Source: SNPIO

Public Health Advisory: MPOX Read More »

Sto. Niño, Cagayan — Isinasagawa ngayon, June 3, 2025, ang Philippine National ID Registration sa Tanggapan ng Local Civil Registrar ng Sto. Niño.

Inaanyayahan ang mga Senior Citizens, Persons with Disability (PWDs), mga batang may edad 1 taon pataas, at lahat ng residente na hindi pa nakakapagparehistro para sa kanilang National ID na makilahok sa isinasagawang registration.

Mga kailangang dalhin:

Birth Certificate

Valid ID (para sa mga nasa hustong gulang)

Ang pagkakaroon ng Philippine National ID ay mahalaga sa mas mabilis at maginhawang pagproseso ng mga dokumento at transaksyon sa iba’t ibang ahensya at serbisyo ng gobyerno.

Huwag nang palampasin — pumunta na sa Local Civil Registrar ngayong araw!

Isang mahalagang hakbang ito para sa mas organisado at inklusibong serbisyo para sa lahat.

#PhilippineNationalID

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Philippine National ID Registration, Kasalukuyang Isinasagawa sa Sto. Niño Read More »

Ang Executive Committee (ExeCom) Meeting ay ginanap sa pangunguna ni Hon. AV Roxas Pagurayan na dinaluhan ng mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño.

Layunin ng naturang pagpupulong na talakayin ang mga estratehiyang usapin, suriin ang kasalukuyang performance, gumawa ng mahahalagang desisyon, at ipresinta ang mga nagawa at mga planong gawin o aktibidad ng bawat tanggapan. Isa rin itong pagkakataon upang pag-isa-isahin ang mga hakbangin, tugunan ang mga hamon, at itakda ang mga prayoridad at mga plano ng bawat departamento na nakaangkla sa pamahalaang lokal.

Napagkasunduan ng mga miyembro na isagawa ang ExeCom Meeting tuwing Lunes ng bawat linggo.

#ExeCom2025

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

EXECOM Mondays: Pagpaplano, Pagkilos, Pinag-Isang Direksyon ng Pamahalaang Bayan para sa Maayos at Epektibong Pamamahala Read More »

Ngayong umaga, sa pangunguna ng ating Punong Bayan na si Atty. Vicente G. Pagurayan at Bise Mayor AV Roxas Pagurayan, sama-sama nating itinaas ang ating watawat — isang simpleng kilos na may malalim na kahulugan: pagkakaisa, malasakit, at paninindigang maglingkod nang tapat para sa ikabubuti ng lahat.

Ang flag raising ceremony ay paalala na bawat araw ay panibagong pagkakataon. Panibagong lakas para kumilos, makiisa, at maging bahagi ng ng tapat at totoong serbisyo publiko.

Hindi lang ito tradisyon—ito ay pagpapatuloy ng diwa ng bayanihan at tunay na serbisyo. 🇵🇭✨

#FlagRaisingCeremony

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Isang Makabuluhang Simula ng Linggo para sa Buong Bayan ng Sto. Niño! Read More »

Ang buwan ng Hunyo ay panahon upang parangalan ang kasaysayan, katatagan, at makulay na diwa ng LGBTQ+ community — at handa na tayong magdiwang nang mas malakas, mas buong-loob, at mas nagkakaisa kaysa dati! 🏳️‍🌈

Ang tema ng Pride Month ngayong taon ay “Pride in Action, A Fabric of Freedom, Love, Respect & Empower” — isang panawagan na maging totoo sa sarili, suportahan ang isa’t isa, at lumikha ng mga espasyong ligtas, bukas, at nakakapagdiwang ng pagkakaiba-iba.

MALIGAYANG PRIDE MONTH mula sa inyong LGU STO. NIÑO! 🌈✨

Source: SNPIO

Pride Month 2025 is Here – Let’s Celebrate Together! Read More »

Matapos ang halos isang araw ng masusing search and retrieval operation, natagpuan na ngayong alas-4:30 ng umaga ang bangkay ng nawawalang dalagitang si Marel Nabigan, 17 taong gulang, residente ng Bulacan.

Siya ang huling hindi pa natatagpuan sa insidente ng pagkalunod sa Chico River kahapon, Mayo 31, 2025, kung saan una nang nasawi ang kanyang tiyuhin na si Leonardo Nabigan, 44, residente ng Taguig City.

Samantala, nakaligtas naman ang isa pang kaanak na si John Vindel Nabigan, 18, residente rin ng Bulacan.

Ang bangkay ni Marel ay natagpuan sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng Aksyon Veinte Quatro Oras (AVQO) Rescue Team, PNP Sto. Niño, Philippine Coast Guard at Namuccayan Barangay Officials/Tanods.

Nakikiramay ang buong Pamahalaang Bayan ng Sto. Niño sa pamilya Nabigan sa matinding pagkalugmok na dulot ng insidenteng ito.

⚠️ Paalala sa Publiko:

Ang ilog ay hindi palaging ligtas na lugar. Maging mapanuri at mag-ingat sa katubigan, lalo na kung malakas ang agos at walang kasamang bihasang tagapagbantay.

📌 Iwasan ang paglangoy sa mapanganib na bahagi ng ilog.

📌 Siguraduhing may kasamang marunong lumangoy.

📌 Ipabatid agad sa mga otoridad ang anumang insidente.

Manatiling nakatutok sa PIO Sto. Niño para sa mga opisyal na ulat at paalala para sa kaligtasan ng ating komunidad.

#PublicSafetyFirst

#RescueOperations

#AksyonVeinteQuatroOras

#PIOStoNiño

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Update || Nawawalang Dalagita sa Chico River, Natagpuan na Read More »

Isang trahedya ang naganap sa bahagi ng Chico River ngayong araw, kung saan isang lalaki ang kumpirmadong nasawi matapos malunod, habang isa pang dalagita ang kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Kinilala ang nasawing biktima na si Leonardo Nabigan, 44 taong gulang, residente ng Taguig, Metro Manila. Natagpuan siya ng pinagsanib na puwersa ng MDRRMO- Aksyon Veinte Quatro Oras (AVQO) Rescue Team at ng PNP Sto. Niño.

Nailigtas naman ang kanyang kamag-anak na si John Vindel Nabigan, 18 taong gulang, residente ng Bulacan. Siya ay agad na nabigyan ng paunang lunas sa Rural Health Unit (RHU) ng Sto. Niño.

Patuloy namang isinasagawa ang retrieval operations para matagpuan ang nawawalang si Marel Nabigan, 17 taong gulang, na residente rin ng Bulacan. Nakikipag-ugnayan na ang PNP Sto. Niño sa Philippine Coast Guard para sa mas malawak na operasyon.

Ayon sa paunang ulat, ang mga biktima ay dumalaw sa kanilang pamilya sa Brgy. Dungao at nagkayayaang maligo sa ilog sa bahagi ng Namuccayan Bridge nang mangyari ang insidente.

⚠️ Paalala sa Publiko:

Pinapaalalahanan ang lahat ng mamamayan at mga bisita ng Sto. Niño na maging mapagmatyag at mag-ingat sa paglalangoy o anumang aktibidad sa mga ilog, lalo na sa mga lugar na hindi kabisado ang agos ng tubig.

Nananawagan din kami sa mga residente na malapit sa lugar na maging alerto at makipagtulungan sa mga awtoridad kung may makikitang posibleng senyales o impormasyon ukol sa nawawala pang biktima.

Ang PIO Sto. Niño ay patuloy na magbibigay ng real-time updates sa insidenteng ito.

#PublicSafetyFirst

#RescueAndRetrievalOperations

#AksyonVeinteQuatroOras

#ParaTiIliTiStoNiño

📸 MDRRM Office – AVQO Rescue Unit

Source: SNPIO

Isang Lalaki, Nasawi sa Pagkalunod sa Chico River; Dalagita, Patuloy na Pinaghahanap ng mga Awtoridad Read More »

30 Mayo 2025

Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Santo Niño sa ilalim ng liderato ni Hon. Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan at Hon. Vice Mayor AV Roxas Pagurayan, katuwang ang walang sawang suporta ng mga Opisyal ng Barangay at mga boluntaryong miyembro ng komunidad, matagumpay na isinagawa ang PuroKalusugan sa Abariongan Ruar.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng PDOHO-Cagayan sa pangunguna ni Dr. Ethel Simeon.

Ang PuroKalusugan ay ang pinakabagong programa ng DOH sa ilalim ng primary care na naglalayong dalhin ang mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan direkta sa mga prayoridad na komunidad. Ito ay nakaayon sa 8-Point Action Agenda ng DOH: “Bawat Pilipino Ramdam ang Kalusugan, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga.”

Ilan sa mga serbisyong ibinigay sa aktibidad ay ang mga sumusunod: Konsultasyong medikal, laboratoryo, pangkalusugan ng ina at bata, nutrisyon, pagbabakuna, programa sa pagpaplano ng pamilya, sanitasyon, TB at HIV screening, pagsusuri ng mga hindi nakakahawang sakit (partikular na ang altapresyon, diabetes, at mental health), at cancer screening gaya ng Visual Inspection with Acetic Acid (VIA). Nagsagawa rin ng pagbisita sa mga tahanan at konsultasyong medikal para sa mga nakaratay at may kapansanan sa paggalaw.

#PuroKalusugan

#KalusuganParaSaLahat

#SantoNiñoCares

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

PuroKalusugan Matagumapay na Isinagawa sa Abariongan Ruar Read More »

Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Santo Niño, Cagayan, matagumpay na isinagawa ang payout para sa mga benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI sa ilalim ng mga programang Cash-for-Training at Cash-for-Work.

Ang Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ay isang hakbangin na tumutugon sa mga suliranin sa kakulangan ng pagkain at tubig na dulot ng pagbabago ng klima. Layunin ng proyekto na magbigay ng pangmatagalang solusyon sa mga apektadong komunidad sa pamamagitan ng pagsasanay, trabaho, at suporta sa kabuhayan.

Dumalo sa nasabing aktibidad si Vice Mayor AV Roxas Pagurayan, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng proyekto sa pagbawas ng kahirapan at pagtitiyak ng seguridad sa pagkain at sapat na suplay ng tubig sa bayan.

Tumanggap ng pinansyal na tulong ang mga benepisyaryo mula sa mga barangay ng Centro Sur, Centro Norte, Mabitbitnong, Lubo, Niug Norte, Nag-Uma, Sidiran, Lattac, at Tabang, bilang kabayaran sa kanilang pagsasanay at partisipasyon sa mga gawaing pangkomunidad.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mga ahensya upang maitaguyod ang kabuhayan at kapakanan ng bawat mamamayan.

#LAWAatBINHIProject

#CashForWorkPayout

#CashForTrainingPayout

#PayItForwardMovement

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiSantoNiño

Source: SNPIO

Cash-For-Training at Cash-For-Work Payout sa Ilalim ng Project LAWA at BINHI, Matagumpay na Naisagawa! Read More »

Scroll to Top