Pagsubaybay sa Implementasyon ng Project LAWA at BINHI sa Barangay Sta.Felicitas,Sto.Niño,Cagayan

Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Vicente G. Pagurayan at Bise Mayor AV Roxas Pagurayan, sunod na binisita ng grupong tagasubaybay ang Project LAWA at BINHI sa Barangay ng Sta. Felicitas.

Ang Project LAWA at BINHI ay isang Sustainable Development program na naglalayong palakasin ang seguridad sa tubig at pagkain. Ang kahalagahan ng water and food security ng programang ito ay hindi lamang para sa kasalukuyan, kundi para rin sa kinabukasan ng mga komunidad at pamilya, na may malaking epekto sa kanilang kalusugan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay.

Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng LGU Sto. Niño, DOLE, DSWD, DA at nang ating mga TUPAD Beneficiaries.

Congratulations, sa ating mga kasama sa Project LAWA at BINHI! Ipagpatuloy lang ninyo ang magandang samahan para sa ikauunlad ng ating mga barangay!

#ProjectLAWAatBINHI

#DisasterPreparedness

#ParaTiIliTiStoNiño

#TogetherWeWillBeBetter

SNPIO: Santo Niño Public Information Office | Facebook

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top