Sangguniang Panlalawigan Mobile Session

Naganap kanina ang Mobile Session ng Sangguniang Panlalawigan dito sa bayan ng Santo Niño, Cagayan sa pangunguna ng Presiding Officer na si Vice Governor Melvin K. Vargas, Jr.

Bago ang nasabing session, nakilahok din si Vice Governor Vargas sa Flag Raising Ceremony na kung saan binigyan-diin nya na ang pagkakaisa ng bawat isa ang makapagbibigay ng kaunlaran at progreso sa isang bayan. Namigay din sya ng mga papremyo sa mga empleyado. Pinangunahan din nya ang pagsisimula ng “Lingap Kaibigan, Angat Cagayan Caravan” na kung saan magsasagawa sila ng Medical, Dental at Optical Services para sa ating mga kababayan.

Taos-puso namang tinanggap at binati ni Vice Mayor AV Roxas Pagurayan ang mga opisyales ng Provincial Government sa pangunguna ni Vice Governor Vargas. Lubos din ang kanyang pasasamalat sa mga magagandang programa at aktibidades ng Office of the Vice Governor at Office of the Sangguniang Panlalawigan.

SNPIO: Santo Niño Public Information Office | Facebook

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top