Makulay! Masaya! Sto. Niño – Isang Buong Pamilya! Ito ang handog ng Pamahalaang Lokal ng Sto. Niño sa ating mga kababayan sa pagsisimula ng pagdiriwang ng ating Pagdadapunan Festival 2024!
Pormal nang binuksan ng ating Punong Bayan Atty. Vicente G. Pagurayan, kasama ang ating Bise Mayor AV Roxas Pagurayan, SB Members, Barangay Officials at ibang mga opisyales, ang ating PAILAW SA PASKUHAN dahil gusto natin ay ENDLESS FUN SA PAGDADAPUNAN!
