Maligayang pagbati sa Bayan ng Santo Niño, Cagayan, sa pangunguna nina Mayor Atty. Vicente Pagurayan at Vice Mayor Andrew Vincent Pagurayan, sa pagtanggap ng Plaque of Commendation bilang National Passer ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa Excellence Award on Governance and Leadership (EAGLE) na ginanap ng DILG-Regional Office No. 02 sa Go Hotel, Tuguegarao City.
Pinupuri rin natin ang natatanging tagumpay ng mga sumusunod na barangay:
Barangay San Manuel: CY 2024 Seal of Good Local Governance for Barangay Award at CY 2024 Lupong Tagapamayapa Incentives Award
Barangay Centro Sur: CY 2024 Seal of Good Local Governance for Barangay Award
Barangay Niug Sur: CY 2024 Seal of Good Local Governance for Barangay Award
Ang mga parangal na ito ay sumasalamin sa ating dedikasyon sa mahusay na pamamahala, pagiging tapat, at kagalingan sa serbisyo. Mabuhay ang buong komunidad ng Santo Niño sa mga kahanga-hangang tagumpay na ito!