Pagbisita ng Ating Municipal Mayor sa Ating mga Katutubong Kapatid sa Calassitan, Naging Makabuluhan!

Personal na binisita ng ating butihing Municipal Mayor Atty. Vicente Pagurayan ang ating mga kapatid na Agay sa Barangay Calassitan noong nagdaang linggo upang talakayin ang mga mahahalagang programa ng ating Lokal na Pamahalaan para sa kanila. Ang pagtitipon ay isinagawa sa komunidad ng mga Agay kung saan nagkaroon ng detalyadong talakayan ukol sa mahalagang programa ng Tobacco Excise Tax.

Ang pagbisita ng ating mayor ay naging isang magandang pagkakataon upang direkta niyang maihatid ang impormasyon at layunin ng programa, kung saan naging bukas siya sa mga katanungan at suhestyon ng komunidad. Isa rin itong hakbang upang magpatibay ng ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng ating mga kapatid na katutubo, sa pangunguna ni Pastor Edwin Balasiw.

Ang adhikain ni Mayor Atty. Vicente Pagurayan sa tulong ng ating Lehislatibo sa pangunguna ni Vice Mayor Andrew Vincent R. Pagurayan ay ang makapagbigay ng suporta at mas mapabuti ang kabuhayan ng ating mga kababayan. Magsisilbing inspirasyon ito sa ating lahat na magkaisa para sa patuloy na progreso ng ating bayan. Sama-sama nating isulong ang masaganang kinabukasan para sa Barangay Calassitan at sa lahat ng barangay sa ating munisipalidad!

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top