Pagpupulong sa Abariongan Uneg, Matagumpay na Isinagawa!

Sa ginanap na pagpupulong ngayong araw, tinalakay ang kasalukuyang konstruksyon ng water system sa Barangay Abariongan Uneg. Ang mga kawani mula sa Opisina ng Sto. Niño Water District, sa pangunguna ni Sir Robert Simeon, ay nagbigay ng mahahalagang detalye tungkol sa proseso ng pagiging miyembro para sa koneksyon ng tubig.

Dumalo rin sa naturang pulong ang ating Mahal na Municipal Mayor, Atty. Vicente G. Pagurayan, at nagbigay siya ng mensahe sa mga residente. Ipinangako ni Mayor Pagurayan ang kanyang suporta at tulong para masigurong maikonekta ang tubig sa bawat kabahayan.

Nagbigay din ng mensahe si Punong Barangay Erwin Oli, kung saan ipinahayag niya ang taos-pusong pasasalamat sa lokal na pamahalaan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na sistema ng tubig sa barangay.

Inihayag na rin na nakapag-apply na ang mga ilang may-ari ng kabahayan para sa kanilang koneksyon, at inaasahang magkakaroon na ng malinis at maayos na suplay ng tubig sa lalong madaling panahon.

Ang proyektong ito ay inaasahang magdadala ng mas madali at ligtas na akses sa malinis na tubig para sa mga residente. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ibag ibang sangay ng pamahalaan at ng komunidad, inaasahang magiging matagumpay ang nasabing inisyatiba.

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

SNPIO: Facebook

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top