Matagumpay na naisagawa ang Mass Oath Taking Ceremony para sa mga bagong talagang kawani ng Lokal na Pamahalaan. Kasabay nito, ginanap din ang isang espesyal na programa bilang paalam at pasasalamat para sa mga retiradong kawani na naging haligi ng serbisyo publiko.
Pinangunahan ng ating Mahal na Alkade Atty. Vicente G. Pagurayan ang seremonya, kung saan ipinahayag ang pasasalamat at pagkilala sa mga nagretiro dahil sa kanilang walang sawang dedikasyon at kontribusyon sa pag-unlad ng institusyon. Sa mensahe ng pagpupugay, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtitiyaga, integridad, at patuloy na paglilingkod bilang inspirasyon para sa mga bagong maglilingkod.
Ang matagumpay na programa ay nagpamalas ng diwa ng pagkakaisa at responsibilidad sa paghahatid ng serbisyong pampubliko, at nagsilbing paalala na bawat henerasyon ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad ng ating komunidad.

