NCSC Naglabas ng Payout para RA 11982 Beneficiaries sa Sto. Niño, Cagayan

Sto. Niño, Cagayan – Sa unang batch ng Enero 2025, matagumpay na ipinamigay ng National Commission for Senior Citizens (NCSC) kasama ang MSWDO at Office of the Senior Citizens Affairs ng Sto. Niño, Cagayan, ang mga benepisyo alinsunod sa RA 11982. Ang pagtanggap ng payout ay para sa mga senior citizens na umaabot sa milestone ages na 80, 85, 90, at 95, kung saan bawat isa ay tumanggap ng ₱10,000. Samantala, ang mga centenarian (100 taong gulang) ay tatanggap ng ₱100,000.

Ang distribusyon ng benepisyo ay ginanap sa opisina ni Butihing Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan at sinalihan din ito ng Hon. Vice Mayor Andrew Vincent R. Pagurayan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Sto. Niño. Ayon sa tala, mayroong 11 kwalipikadong beneficiaries sa unang batch ng buwan, kung saan:

3 mula sa Lubo

3 mula sa Centro Norte

1 mula sa Lattac

1 mula sa Tabang

1 mula sa Calapangan

1 mula sa Matalao

1 mula sa Niug Sur

Ang payout na ito ay bahagi ng unang taon ng implementasyon ng Expanded Centenarian Act ng 2024, na naglalayong kilalanin at pasalamatan ang mga matatanda sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa komunidad.

Ang matagumpay na programa ay nagpapakita ng pangako ng lokal na pamahalaan at ng NCSC na patuloy na suportahan ang mga senior citizens sa pamamagitan ng makabuluhang mga benepisyo at serbisyo.

#SeniorCitizensProgram

#ParaKilaLoloAtLola

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top