UNITY WALK, PEACE COVENANT SIGNING, AT INTERFAITH PRAYER IDINAOS SA SANTO NIÑO, CAGAYAN
SANTO NIÑO, CAGAYAN – Upang matiyak ang isang tapat, malinis, at mapayapang halalan sa darating na 2025 National and Local Elections, matagumpay na isinagawa ang Unity Walk, Peace Covenant Signing, at Interfaith Prayer sa bayan ng Santo Niño, Cagayan.
Dumalo sa mahalagang aktibidad na ito ang mga kandidato mula sa iba’t ibang posisyon, pati na rin ang mga kinatawan mula sa Commission on Elections (COMELEC), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of the Interior and Local Government (DILG)-Santo Niño, at iba’t ibang religious setors.
Sinimulan ang programa sa isang Unity Walk, kung saan nagmartsa ang mga kalahok sa bayan bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa mapayapa at patas na eleksyon.
Pinangunahan ng COMELEC-Santo Niño, sa pamumuno ni Gng. Miriam Tumaliuan, ang naturang aktibidad. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas ng eleksyon at ang papel ng bawat isa sa pagpapanatili ng kapayapaan at integridad ng halalan.
Bilang pagtatapos ng programa, isinagawa ang isang Symbolic Release of Balloons and Doves, na sumisimbolo sa adhikain ng lahat para sa isang payapa, maayos, at patas na halalan.
#2025NationalAndLocalElections
#ParaSaIsangMaayosAtPayapangEleksyon
Source: SNPIO
