Santo Niño, Cagayan – Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pamamahagi ng food packs sa 120 benepisyaryo ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) sa ilalim ng Food-for-Work Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang naturang programa ay naglalayong bigyan ng tulong ang mga indibidwal at pamilya kapalit ng kanilang aktibong pakikilahok sa iba’t ibang community work at livelihood activities. Sa pamamagitan nito, natutulungan ang mga mamamayan na magkaroon ng pansamantalang kabuhayan habang tumatanggap ng pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain.
Nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa suportang ibinigay ng MSWDO at DSWD, na patuloy na nagsusulong ng mga programang makakatulong sa mga nangangailangan sa komunidad. Patuloy rin ang panawagan ng lokal na pamahalaan para sa mas maraming inisyatiba na magbibigay ng oportunidad para sa mga mamamayan ng Santo Niño.
Source: SNPIO