SANTO NIÑO, CAGAYAN – Isinagawa ngayong araw ang orientation para sa Project LAWA, kung saan 500 benepisyaryo mula sa mga barangay ng Centro Sur, Centro Norte, Mabitbitnong, Lubo, Niug Norte, Nag-Uma, Sidiran, Lattac, at Tabang ang nakibahagi.
Layunin ng Project LAWA na matulungan at maprotektahan ang mahihirap at bulnerableng komunidad mula sa epekto ng unti-unting pagdating ng El Niño sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangmatagalang mapagkukunan ng tubig at magbibigay ng karagdagang kita para sa mga benepisyaryo.
Binibigyang-diin ni Municipal Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan na prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ang ganitong uri ng programa na makakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mamamayan, lalo na sa panahon ng matinding hamon sa klima.
Dumalo rin sa orientation ang Municipal Vice Mayor at mga kagawad ng Sangguniang Bayan bilang pagpapakita ng suporta ng pamahalaang lokal sa proyektong ito.
Source: SNPIO