CACA CLUSTER | Moving-Up Ceremony

MOVING-UP CEREMONY NG CACA CLUSTER DAY CARE CENTERS, MATAGUMPAY NA IDINAOS!

Matagumpay na isinagawa ang Moving-Up Ceremony ng CACA Cluster Day Care Centers ngayong Abril 10, 2025 sa temang “Munting Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan.”

Pinangunahan ito ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang mga Child Development Workers. Dumalo rin si Vice Mayor AV Roxas Pagurayan na nagbigay ng mensahe, binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon sa murang edad.

Kasama sa nasabing pagtatapos ang mga Day Care Centers mula sa Calapangan, Abariongan Uneg, Calassitan at Abariongan Ruar.

Nagpakitang-gilas ang mga bata sa mga awitin at sayaw, habang pinasalamatan din ang mga magulang at guro sa kanilang suporta. Isa itong makabuluhang hakbang tungo sa magandang kinabukasan para sa mga kabataan.

#CACAClusterMovingUpCeremony

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top