Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, itinaguyod natin ang mas malawak at mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat taga-Sto. Niño — patunay na ang kalusugan ay kayamanan ng bayan.
Sa bawat proyekto at programang naisakatuparan, pinatunayan ng kasalukuyang administrasyon na ang kalusugan ng bawat mamamayan ng Sto. Niño ang tunay na prioridad. Mula sa pagpapatayo ng bagong Super Health Center, hanggang sa pagpapalawak ng libreng serbisyong medikal at pagbibigay ng mga gamot, patuloy nating pinapalakas ang sektor ng kalusugan para sa mas ligtas, mas matatag, at mas maunlad na sambayanan. Hindi lang pangarap ang maayos na serbisyong pangkalusugan — ginagawa nating realidad ito para sa lahat. Sa pagpapatuloy ng ating laban para sa Kalusugan ng Mamamayan at Bayan!
INTAYU ITULTULUY TI NARUGYANAN NGA PANANGPADUR-AS TI ILI NGA NAKAYANAKAN!