Pormal nang iprinoklama ng Municipal Board of Canvassers ang mga bagong halal na opisyal ng Bayan ng Sto. Niño matapos ang matagumpay na halalan noong Lunes, Mayo 12, 2025.
Ginanap ang proklamasyon noong Martes, alas-diyes ng umaga sa Session Hall ng Sangguniang Bayan ng Sto. Niño, kung saan sabay-sabay na ipinahayag ang opisyal na resulta ng botohan at idineklara ang mga nanalong kandidato.
Nagwagi si Mayor AV Roxas Pagurayan laban sa kanyang katunggali na si JM Cuntapay. Samantala, napagwagian naman ni Atty. Vicente G. Pagurayan ang laban sa pagka-Bise Alkalde laban sa dating katunggali na si Pecos Carodan.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalong miyembro ng Sangguniang Bayan:
1. Marites Cuntapay
2. Andres Daquioag Jr.
3. Elmer Tejada
4. Avelino Dela Cruz
5. Romeo Uy
6. Chiclet Carodan-Alfonso
7. Ayona Mendoza
8. Erwin Oli
Nagpasalamat ang mga nanalo sa kanilang mga tagasuporta at nangakong magsisilbi nang tapat sa kanilang nasasakupan.
Sa kanyang panibagong termino, muling ipinangako ni Mayor AV Pagurayan ang pagpapatuloy ng mga programa at proyektong makatao at makabayan para sa patuloy na pag-unlad ng Sto. Niño.
Isang panibagong yugto na naman ng serbisyo publiko ang bubuksan sa bayan, sa tulong ng bagong hanay ng mga pinunong pinagkatiwalaan ng taumbayan.
Ang proklamasyon ay maayos at mapayapang naisagawa, na siyang sumasalamin sa tunay na boses ng mga mamamayan ng Sto. Niño.
Source: SNPIO
