Ang Executive Committee (ExeCom) Meeting ay ginanap sa pangunguna ni Hon. AV Roxas Pagurayan na dinaluhan ng mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño.
Layunin ng naturang pagpupulong na talakayin ang mga estratehiyang usapin, suriin ang kasalukuyang performance, gumawa ng mahahalagang desisyon, at ipresinta ang mga nagawa at mga planong gawin o aktibidad ng bawat tanggapan. Isa rin itong pagkakataon upang pag-isa-isahin ang mga hakbangin, tugunan ang mga hamon, at itakda ang mga prayoridad at mga plano ng bawat departamento na nakaangkla sa pamahalaang lokal.
Napagkasunduan ng mga miyembro na isagawa ang ExeCom Meeting tuwing Lunes ng bawat linggo.
Source: SNPIO