Sa pangunguna ng Pamahalaang Lokal ng Sto. Niño, matagumpay na isinagawa ngayong Hunyo 12, 2025 ang Flag Raising Ceremony bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.”
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang wreath-laying ceremony bilang pagkilala at pag-alay ng parangal sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa.
Kasabay ng pagkakaisa ng mga dumalo, inawit ng lahat ang “Ang Bayan Ko” bilang simbolo ng patuloy na pagmamahal sa bayan at pag-alala sa kasaysayang ating pinanggalingan.
Dumalo sa seremonya ang mga opisyal ng LGU, mga empleyado ng pamahalaan, unipormadong kawani, at iba’t ibang sektor ng komunidad.
Ang temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” ay nagsisilbing paalala sa bawat Pilipino na ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng kasaysayan ng pakikibaka — at tungkulin nating gamitin ito upang hubugin ang mas magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
#KalayaanKinabukasanKasaysayan

