MUNICIPAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE: SENIOR CITIZEN PAYOUT

𝑷͟𝒂͟𝒈͟𝒌͟𝒂͟𝒊͟𝒏͟ ͟𝒔͟𝒂͟ ͟𝑴͟𝒆͟𝒔͟𝒂͟ ͟𝑷͟𝒂͟𝒓͟𝒂͟ ͟𝑲͟𝒂͟𝒚͟ ͟𝑳͟𝒐͟𝒍͟𝒐͟ ͟𝒂͟𝒕͟ ͟𝑳͟𝒐͟𝒍͟𝒂͟

Pagkatapos ang pagpapasinaya sa Namuccayan Bridge, dumiretso naman ang ating mahal na Congresswoman Baby Aline Vargas- Alfonso para mag-abot ng tulong pinansyal sa ating mga minamahal na mga lolo’t lola.

Bukod sa pinansyal na tulong, nag-alay din si Cong. Vargas ng mga nakakaaliw na mga aktibidades na nagbigay naman ng ngiti at lubos na kaligayan sa ating mga Senior Citizens.

Nangako naman siya na patuloy niyang susuportahan at gawing prayoridad ang mga programa at proyekto para sa kapakanan ng mga Senior Citizens.

Ipinaabot naman ng ating minamahal na Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan ang lubos na pagmamahal sa ating mga Senior Citizens at nangakong patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Santo Niño sa pagbibigay ng pondo para sa mga programa na nakakatulong sa ating mga Senior Citizens.

#ParaTiIliItiFaire

#PayItForward

#TogetherWeWillBeBetter

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top