Nakatanggap ng tulong pinansyal ang ilang pamilyang biktima ng sunog mula sa Barangays Balanni at Abariungan Uneg, Bayan ng Sto. Niño mula sa National Housing Authority (NHA) sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Bahagi ito ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng ahensya na layuning makatulong sa pagbangon ng mga pamilyang nasalanta ng mga kalamidad tulad ng bagyo, sunog, lindol at pagbaha.
Ito ay resulta ng pakikipagpulong ng ating mga opisyales na pinangunahan ng ating butihing Alkalde Atty. Vicente G. Pagurayan sa mga opisyales ng NHA upang mabigyan ng karampatang tulong ang mga pamilyang nasunugan sa ating bayan.
Lubos ang pasasalamat ng mga pamilyang natulungan at Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño sa pangunguna ng ating Alkalde, Atty. Vicente G. Pagurayan at Bise Mayor Andrew Vincent AV Roxas Pagurayan.