Isinagawa ang Commitment Setting at Turnover Ceremony ng Project LAWA na naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga partner-beneficiaries na maging bahagi ng pangmatagalang pagpapanatili at pagpapalawig ng mga proyekto sa kanilang mga komunidad.
Ang seremonya ay pinangunahan ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño sa pangunguna ng ating butihing Municipal Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan at Vice Mayor Andrew Vincent AV Roxas Pagurayan kasama ang ibang miyembro ng Sangguniang Bayan, MSWDO personnel at marami pang iba.
Tampok sa aktibidad ang simbolikong pagbibigay ng timba na naglalaman ng mga fingerlings, at isang basket na may iba’t ibang vegetable seedlings mula sa Department of Agriculture (DA).
Ito ay hakbang upang palakasin ang sektor ng agrikultura sa lugar, na may layuning makatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga partner-beneficiaries.
SNPIO: Facebook