Anthrax Forum Isinagawa sa bayan ng sto. Niño

Upang magbigay ng kaalaman sa publiko tungkol sa sakit na anthrax at mapalakas ang kahandaan ng komunidad, isinagawa ang isang forum ngayong araw sa Bayan ng Santo Niño. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na pinangungunahan ni Vice Mayor AV Roxas Pagurayan, Punong Barangays,mga barangay health workers, magsasaka, at iba pang miyembro ng komunidad.

Pinangunahan ng Department of Health at Department of Agriculture (DA) ang nasabing forum, na naglalayong magbigay ng tamang impormasyon tungkol sa anthrax – isang bihirang ngunit mapanganib na sakit na maaaring makaapekto sa hayop at tao. Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang sakit ay karaniwang naipapasa mula sa mga kontaminadong hayop tulad ng baka, kalabaw, at kambing.

Tinalakay rin sa forum ang mga sintomas ng anthrax sa tao at hayop, kabilang ang lagnat, pamamaga, at mga sugat sa balat. Itinuro din kung paano ligtas na iwasan ang mga apektadong hayop at kung ano ang mga hakbang na dapat gawin kapag may pinaghihinalaang kaso ng anthrax.

Ang forum na ito ay bahagi ng mas malaking inisyatiba ng lokal na pamahalaan na maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan at mga alagang hayop laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malawakang epekto sa komunidad.

#AnthraxForum2024

#MagingResponsableWagMagingKampante

#ParaTiIliTiStoNiño

SNPIO: Facebook

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top