𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 |
Nagtipon ang pamunuan ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Andrew Vincent AV Roxas Pagurayan para sa isang Emergency Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting ngayong araw ng Lunes, October 21, 2024, bilang paghahanda sa #BagyongKristinePH
Dito’y nag-ulat ang mga pinuno ng mga departamento ng ating LGU ukol sa estado ng ating bayan pagdating sa rescue at relief operations; lagay ng ating mga ilog; sitwasyon ng ating mga kalsada, kabahayan, at mga gusali; mga pananim, produkto, at kabuhayan.
Pinapayuhan ang lahat na maging alerto at mag-ingat. Sabay-sabay nating ipagdasal na hindi makapaminsala ang bagyong ito.
Patuloy na magmonitor sa mga susunod na weather updates na ipapalabas.
SNPIO: Facebook