LOKAL NA PAMAHALAAN NG STO. NIÑO, INUMPISAHAN ANG TAON SA PAMAMAGITAN ISANG BANAL MISA BILANG PAGPAPAHALAGA SA PANANAMPALATAYA AT SEREMONYA SA PAGTATAAS NG WATAWAT BILANG PAGKAKAISA NG KOMUNIDAD || January 6, 2025

Sinimulan ng Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño ang linggo sa isang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Alex Caruel.

Isinagawa rin ang Tradisyunal na Pagtataas ng Watawat upang ipakita ang pagmamalaki at katapatan sa ating bansa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Atty. Vicente G. Pagurayan, Municipal Mayor, na ipagpatuloy nawa ng mga kawani ng lokal na pamahaalaan ang natatanging paglilingkod sa ating mga kababayan. Ipinahayag niya din ang labis na galak at saya sa mga tagumpay at nagawa sa nakalipas na taong 2024. Taos-puso din siyang nagpapasalamat sa lahat na naging bahagi ng puwersa at naglingkod sa ating pamahalaang bayan.

#TogetherWeWillBeBetter

#PayItForward

#ParaTiIliTiStoNiño

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top