Puspusan ang ginagawang pagtatrabaho ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Municipal Mayor Vicente G. Pagurayan at Vice Mayor AV Roxas Pagurayan. Sinasamantala ng ating Lolal na Pamahalaan ang magandang lagay ng panahon upang maisaayos ang mga bahagi ng kalsada na hindi pwedeng daanan.
Matatandaang nasira ang ilang bahagi ng kalsada dulot ng sunod-sunod na bagyo at araw-araw na pag-ulan dala ng amihan at shearline na naging dahilan ng pagkasira ng ating mga kalsada.
Sinisikap ng ating Pamahalaang Lokal na ipagpatuloy ang rehabilitasyon na naantala gawa ng mga nagdaang kalamidad at sama ng panahon at maayos ang ating mga kalsada upang hindi na natin kailangan pang umikot sa pa siyudad at mas mapadali ang ating paglalakbay.
SNPIO: (2) Facebook