Tulong Pinansyal para sa mga Nasalanta ng Bagyo, Matagumpay na Naipamahagi!

Ngayong umaga, matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng pinansyal na tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng bahagyang pinsala dulot ng Bagyong Kristine at Bagyong Marce. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng ating Municipal Social Welfare and Development Officer, Romel M. Tejada. Kasama rin sa nasabing kaganapan si Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan na nagbigay inspirasyon at suporta sa mga pamilyang tinulungan. Ang bawat isa sa 33 na benepisyaryo ay nakatanggap ng halagang 5,000 pesos.

Nagpahayag ng pasasalamat sina Ciriaco Duldulao mula sa Barangay Balanni at Felisa Menor mula sa Barangay Niug Norte. Ayon sa kanila, gagamitin nila ang natanggap na pera para kumpunihin ang kanilang mga tahanan na napinsala ng bagyo. Nagpaabot din sila ng taos-pusong pasasalamat kay Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan sa tulong pinansyal na ipinagkaloob sa kanila.

Ang layunin ng programa ay mabigyang ginhawa at suporta ang mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng pinansyal na tulong upang sila ay makapag-umpisa muli at maibsan ang kanilang pasanin. Ang Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño ay patuloy na umaalalay sa mga apektadong pamilya at nangako ng higit pang suporta sa darating na panahon.

Maraming salamat sa mga kawani ng MSWDO at sa pamunuan ng ating bayan para sa walang sawang pagseserbisyo at malasakit para sa ating mga kababayan.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development.

#TogetherWeWillBeBetter

#PayItForward

#ParaTiIliTiStoNiño

SNPIO: Facebook

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top