Part III. Araw ng Kapistahan ni Señor Sto. Niño, Ipinagdiwang ng Buong Bayan!

STO. NIÑO, CAGAYAN — Ipinagdiwang ng buong bayan ang Kapistahan ni Señor Santo Niño de Faire sa isang makulay at makabuluhang selebrasyon ngayong araw, kung saan nagtipon-tipon ang mga deboto upang ipakita ang kanilang pananampalataya at pagkakaisa.

Nagsimula ang programa sa isang banal na misa na pinangunahan ng mga pari mula sa iba’t ibang bayan, bilang pagpapasalamat at pagbibigay-pugay sa ating patron saint. Isa sa mga highlight ng araw ay ang Installation Ceremony para kay Rev. Fr. Alex Caruel bilang bagong kura paroko ng Santo Niño, isang makasaysayang bahagi ng selebrasyon.

Nagpatuloy ang kasiyahan sa pamamagitan ng mga makukulay na pagtatanghal mula sa mga mag-aaral ng Sto. Niño Central Elementary School-SPED Center, Sto. Niño National High School, Veridiano-Sto. Niño Institute, at Lubo National High School.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Atty. Vicente Pagurayan, Punong Bayan ng Santo Niño, ang kahalagahan ng matibay na pananampalataya sa ating patron saint. “Bahagi ng natatamasa nating kaunlaran at progreso sa ating bayan ang matibay na pananalig sa Diyos,” wika niya.

Ang araw ng kapistahan ay naging patunay ng pagkakaisa at pananampalataya ng bayan ng Santo Niño, na nagsisilbing inspirasyon para sa patuloy na pagsulong ng ating bayan.

#18thSAGATFestival

#StoNiñoPatronalFiesta

#TogetherWeWillBeBetter

#𝘗𝘢𝘳𝘢𝘛𝘪𝘐𝘭𝘪𝘛𝘪𝘚𝘵𝘰𝘕𝘪𝘯̃𝘰

SNPIO: (1) Facebook

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top