Pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher (FDV) sa Ating mga Magsasaka, Matagumpay na Naisagawa!

Ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office ng LGU Sto. Niño sa pangunguna ng ating Municipal Mayor, Atty. Vicente G. Pagurayan, ay nagsagawa ng pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher noong nakaraang Biyernes sa Municipal Agriculture Office. Ang Fertilizer Discount Voucher ay pangunahing pamamaraan para sa pagbibigay ng suporta sa abono sa ating mga magsasaka ng palay. Isa ito sa mga aktibidad na sinusuportahan ng DA upang tulungan ang mga magsasaka na mapataas ang produksyon sa kanilang bukirin sa pamamagitan ng pagkuha ng abono sa mas mababang halaga, na nagreresulta sa mas mababang gastos sa produksyon.

Ang mga pinamahaging FDV ay maaaring gamitin ng mga magsasaka upang makabili ng abono sa mga DA-accredited merchants. Ang mga barangay na nakatanggap noong Biyernes ay mga magsasaka mula sa mga barangay ng Balanni, Lipatan, Balagan, Sta. Maria, at Tamucco.

Patuloy na umaasa ang ating pamahalaang lokal na mas maraming magsasaka ang makinabang mula sa programang ito at iba pang inisyatiba para sa kaunlaran ng agrikultura sa ating komunidad.

#TulongSaMgaMagsasaka

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top