Switching ng Kuryente sa Barangay Calapangan, Dinaluhan ng ating mga Opisyales!

Nagdaos ng isang makasaysayang aktibidad noong Sabado sa Barangay Calapangan, Sto. Niño, Cagayan kung saan pormal na isinagawa ang switching ng kuryente sa Zone 7. Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng ating butihing Municipal Mayor, Atty. Vicente G. Pagurayan, Vice Mayor AV Pagurayan, SB Members, at mga barangay officials.

Ang okasyong ito ay hindi lamang naging susi sa pagpapalaganap ng maayos at de-kalidad na serbisyo ng kuryente para sa mas marami pang kabahayan, kundi nagsilbi ring pagkakataon para sa ating mayor na makaharap at makadaupang-palad ang mga residente ng barangay. Mainit at puno ng kasiyahan ang pagtanggap ng mga taga-Calapangan sa kanya, patunay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pamayanan at liderato.

Muli, isang malugod na pasasalamat sa lahat ng naging bahagi sa matagumpay na proyektong ito. Sama-sama tayong babangon tungo sa mas maliwanag at mas maunlad na Sto. Niño!

#SwitchingNgKuryenteSaCalapangan

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

SNPIO: Facebook

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top