Muling nagsagawa ng pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher ang Department of Agriculture (DA) sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office ng LGU Sto. Niño sa pangunguna ni Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan. Ang aktibidad na ito ay naganap noong nakaraang Sabado sa Barangay Abariongan Uneg .
Ang mga barangay na nakatanggap sa pamamahagi ay kinabibilangan ng Abariongan Uneg, Abariongan Ruar, Calapangan, at Calassitan. Ang mga Fertilizer Discount Voucher ay nagbibigay-daan sa ating mga magsasaka na makabili ng abono mula sa mga DA-accredited merchants sa mas mababang halaga, na nagbubunga ng mas mababang gastos sa kanilang produksyon at tumutulong upang mapataas ang kanilang ani.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan na mas maraming magsasaka pa ang makikinabang mula sa programang ito at iba pang mga inisyatiba na naglalayong paunlarin ang sektor ng agrikultura sa ating komunidad.
SNPIO: Facebook