Sa patuloy na pangangalaga at suporta ng ating pamahalaang lokal para sa mga Senior Citizens, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng cash gift para sa mga senior citizens na may edad 70 pataas ngayong Pebrero.
Ang programang ito ay isa sa mga inisyatiba ng ating Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño, sa ilalim ng masigasig na pamumuno ni Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan at Bise Mayor AV Roxas Pagurayan
Layunin nitong kilalanin at magbigay ng suporta sa ating mga mahal na Lolo at Lola na naging malaking bahagi ng ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta sa ating mga programa. Magkaisa tayong lahat para sa mas maunlad at mapagmalasakit na bayan!
#ProgramaParaSaMgaSeniorCitizens
Source: SNPIO (Facebook)