Payout ng Social Pension, Matagumpay na Naisagawa!

PAYOUT NG SOCIAL PENSION PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA 1ST QUARTER NG 2025, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

Isang matagumpay na payout ng social pension para sa mga senior citizen ang isinagawa kamakailan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni MSWDO Romel Tejada, katuwang si Macaria Panelo, ang pinuno ng OSCA. Sa pamamagitan ng patnubay at pamumuno ng ating Kagalang-galang na Punong Bayan, Atty. Vicente G. Pagurayan, matagumpay na naipamahagi ang Social Pension para sa mga Senior Citizen sa ating lokal na pamahalaan.

Layunin ng aktibidad na ito na matiyak ang kapakanan at masiguro ang pantay na benepisyo ng ating mga senior citizen. Ang aming pamahalaang bayan ay nananatiling nakatuon sa pagtataguyod ng kapakanan ng lahat ng mamamayan, lalo na ng ating mga lolo at lola, tungo sa mas maunlad at mas mapagmalasakit na komunidad.

#ParaSaMgaMahalNaLoloAtLola

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiFaire

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top