KASALUKUYANG GINAGANAP ANG INFORMATION DISSEMINATION PARA SA MGA BARANGAY SECRETARIES UPANG TALAKAYIN ANG PAGPAPATIBAY SA KAHALAGAHAN NG CIVIL REGISTRATION
Kasalukuyang isinasagawa ang “Information Dissemination & Updates in Civil Registration” para sa mga Barangay Secretaries sa ating bayan. Ang programang ito ay pinangunahan ng Tanggapan ng Municipal Civil Registrar sa pamumuno ni Municipal Civil Registrar Engr. Haydee P. Catolos, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 na Buwan ng Civil Registration na may temang “Building a Resilient, Agile, and Future-fit Civil Registration and Vital Statistics System.” Ito rin ay sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Municipal Mayor, Atty. Vicente G. Pagurayan.
Si Engr. Haydee P. Catolos ang nagpakilala at nagbigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa mga usapin ng civil registration sa mga Barangay Secretaries.
Kasama rin sa pagtitipon ang ating kagalang-galang na Bise Alkalde Andrew Vincent R. Pagurayan na nagpaabot ng mensahe: “Magkaisa tayo para mapadali at mapabuti ang proseso ng Civil Registration, sapagkat mahalaga at pangmatagalan ang ibinubunga nito sa atin.”
Ang ating suporta at pagtutulungan ay susi upang maging matagumpay ang adhikaing ito para sa mas handang kinabukasan ng ating bayan.
Source: SNPIO