Kasalan ng Bayan sa Sto.Niño, Pinangunahan ng Opisana ng Municipal Civil Registrar

Ngayong araw, matagumpay na idinaos ang isang Civil Mass Wedding sa SB Session Hall na pinangasiwaan ng opisina ng Municipal Civil Registrar sa ilalim ng pamumuno ni MCR Engr. Haydee P. Catolos. Ang natatanging okasyong ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 Civil Registration Month na may temang “Building a Resilient, Agile, and Future-first Civil Registration and Vital Statistics System.”

Sa pangunguna ng ating butihing Municipal Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan, labing-apat (14) na masusuwerteng magkasintahan ang nanumpa ng kanilang mga pangako sa isa’t isa. Kasama rin sa pagdiriwang ang ating kagalang-galang na Municipal Vice Mayor AV Roxas Pagurayan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Ang aktibidad na ito ay hindi lamang sumisimbolo ng pag-iisang-dibdib kundi pati na rin ng pagsusulong ng isang mas matatag at handang sistema ng civil registration para sa kinabukasan.

Maligayang bati sa lahat ng bagong kasal!

#KasalanNgBayan2025

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top