DSWD Namahagi ng Emergency Cash Transfer sa 730 Pamilyadong Apektado ng Bagyong Kristine sa Ating Bayan!

SANTO NIÑO, CAGAYAN – Mahigit 700 pamilya na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine noong Oktubre 2024 ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) Program.

Pinangunahan ng MSWDO ang payout na ginanap upang matulungan ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan at tahanan matapos ang pinsala ng Bagyong “Kristine”.

Dumalo rin sa aktibidad si Vice Mayor AV Roxas Pagurayan na nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa ahensya sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta.

Ang ECT Program ay isang inisyatiba na naglalayong tulungan ang mga pamilya sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang tulong pinansyal. Layunin nitong mapunan ang agwat sa pagitan ng agarang disaster relief at maagang pagbangon ng mga apektadong komunidad.

Santo Niño, Sama-Sama Tayong Babangon!

#ECTProgramSaStoNiño

#TogetherWeWillBeBetter

#AksyonVeinteQuatroOras

#DisasterResponseProgram

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *