Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, binigyang-prayoridad natin ang pagpapatatag at pagpapabuti ng mga imprastraktura sa ating Bayan ng Sto. Niño — sapagkat naniniwala tayo na ang matibay at maayos na mga daan, gusali, at pasilidad ay susi sa progreso ng bayan.
Sa pamamagitan ng mga proyektong naglalayong gawing mas accessible, ligtas, at maayos ang mga pampublikong daanan at pasilidad, ipinakita ng administrasyong ito ang dedikasyon sa pagtataguyod ng kaunlaran para sa bawat mamamayan. Ang bawat kalsada, tulay, at pampublikong pasilidad ay patunay ng ating sama-samang pagsusumikap.
Hindi lamang natin pinangarap ang isang maunlad na komunidad — itinayo at pinatatag natin ito para sa mas maliwanag na kinabukasan. Sa pagpapatuloy ng ating adhikain para sa Imprastraktura ng Mamamayan at Bayan!
INTAYU ITULTULUY TI NARUGYANAN NGA PANANGPADUR-AS TI IMPRASTRAKTURA TI ILI NGA NAKAYANAKAN!
Source: SNPIO