Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, isinulong natin ang mga programang tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayan — sapagkat naniniwala tayo na ang serbisyong panlipunan ay serbisyong makatao.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatiba para sa kabataan, kababaihan, nakatatanda, PWDs, at mga pamilyang nangangailangan, tiniyak ng administrasyong ito na walang maiiwan sa pag-unlad. Sa bawat tulong na naipaabot at programang naipatupad, ipinakita natin na ang malasakit ay tunay na nasa puso ng ating pamamahala.
Hindi lamang natin pinangarap ang mas maayos na buhay para sa bawat isa — ginawa natin itong posible para sa lahat. Sa pagpapatuloy ng ating hangarin para sa Serbisyong Panlipunan ng Mamamayan at Bayan!
INTAYU ITULTULUY TI NARUGYANAN NGA PANANGPADUR-AS TI SERBISYO TI ILI NGA NAKAYANAKAN!
Source: SNPIO