Invitational Volleyball Tournament na Gaganapin sa Bayan ng Sto. Niño, Kasado na!

Sto. Niño, Cagayan — Nakipag-ugnayan ngayong araw ang mga opisyal ng Sto. Niño Volleyball Club (SNVC) kay Municipal Vice Mayor AV Pagurayan kaugnay ng nalalapit na two-day Invitational Volleyball Tournament na gaganapin sa Hunyo 13-14, 2025 sa Mayor Leandro Pagurayan Memorial Gymnasium.

Ang nasabing paligsahan ay inaasahang lalahukan ng iba’t ibang bayan mula sa lalawigan ng Cagayan, na may layong palakasin ang samahan ng mga kabataan at mga atleta, at isulong ang sports development sa buong probinsya.

Sa kanilang pagpupulong, nangako si Vice Mayor Pagurayan na buong suporta at assistance ang kanyang ibibigay para sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad. Aniya, mahalaga ang ganitong mga programa para hikayatin ang mga kabataan na maging aktibo sa sports at maiwasan ang mga masasamang bisyo.

Ayon sa SNVC, masayang-masaya sila sa ipinakitang suporta ng pamahalaang bayan at inaasahang magiging matagumpay at makabuluhan ang nalalapit na paligsahan.

#YouthAndSportsDevelopment

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiFaire

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top