Pormulasyon ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan para sa taong 2026-2028, Matagumpay na naisagawa sa Tulong ng DILG Cagayan

May 28, 2025 ||

Isinagawa ng Local Government Unit (LGU) ng Santo Niño sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Cagayan ang Pormulasyon ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan para sa taong 2026-2028.

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2022-118 na nag-aatas sa lahat ng antas ng Peace and Order Councils (POCs) na bumuo ng (3) taong POPS Plan. Nilalaman ng planong ito ang mga programa, proyekto, at aktibidad ng LGU upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa mga komunidad.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng Municipal Vice Mayor AV Roxas Pagurayan, Municipal Planning and Development Officer, mga opisyal mula sa Philippine Army, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs).

Binigyang-diin ni MLGOO Jasmin Balisi na ang pagbuo ng POPS Plan ay nangangailangan ng pagtutulungan at aktibong partisipasyon ng bawat miyembro ng konseho upang makabuo ng planong makakatulong sa pagtataguyod ng mapayapa at ligtas na pamayanan para sa lahat.

#PeaceandOrderandPublicSafetyPlan

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top