Update || Nawawalang Dalagita sa Chico River, Natagpuan na

Matapos ang halos isang araw ng masusing search and retrieval operation, natagpuan na ngayong alas-4:30 ng umaga ang bangkay ng nawawalang dalagitang si Marel Nabigan, 17 taong gulang, residente ng Bulacan.

Siya ang huling hindi pa natatagpuan sa insidente ng pagkalunod sa Chico River kahapon, Mayo 31, 2025, kung saan una nang nasawi ang kanyang tiyuhin na si Leonardo Nabigan, 44, residente ng Taguig City.

Samantala, nakaligtas naman ang isa pang kaanak na si John Vindel Nabigan, 18, residente rin ng Bulacan.

Ang bangkay ni Marel ay natagpuan sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng Aksyon Veinte Quatro Oras (AVQO) Rescue Team, PNP Sto. Niño, Philippine Coast Guard at Namuccayan Barangay Officials/Tanods.

Nakikiramay ang buong Pamahalaang Bayan ng Sto. Niño sa pamilya Nabigan sa matinding pagkalugmok na dulot ng insidenteng ito.

⚠️ Paalala sa Publiko:

Ang ilog ay hindi palaging ligtas na lugar. Maging mapanuri at mag-ingat sa katubigan, lalo na kung malakas ang agos at walang kasamang bihasang tagapagbantay.

📌 Iwasan ang paglangoy sa mapanganib na bahagi ng ilog.

📌 Siguraduhing may kasamang marunong lumangoy.

📌 Ipabatid agad sa mga otoridad ang anumang insidente.

Manatiling nakatutok sa PIO Sto. Niño para sa mga opisyal na ulat at paalala para sa kaligtasan ng ating komunidad.

#PublicSafetyFirst

#RescueOperations

#AksyonVeinteQuatroOras

#PIOStoNiño

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top