Cash-For-Training at Cash-For-Work Payout sa Ilalim ng Project LAWA at BINHI, Matagumpay na Naisagawa!

Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Santo Niño, Cagayan, matagumpay na isinagawa ang payout para sa mga benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI sa ilalim ng mga programang Cash-for-Training at Cash-for-Work.

Ang Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ay isang hakbangin na tumutugon sa mga suliranin sa kakulangan ng pagkain at tubig na dulot ng pagbabago ng klima. Layunin ng proyekto na magbigay ng pangmatagalang solusyon sa mga apektadong komunidad sa pamamagitan ng pagsasanay, trabaho, at suporta sa kabuhayan.

Dumalo sa nasabing aktibidad si Vice Mayor AV Roxas Pagurayan, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng proyekto sa pagbawas ng kahirapan at pagtitiyak ng seguridad sa pagkain at sapat na suplay ng tubig sa bayan.

Tumanggap ng pinansyal na tulong ang mga benepisyaryo mula sa mga barangay ng Centro Sur, Centro Norte, Mabitbitnong, Lubo, Niug Norte, Nag-Uma, Sidiran, Lattac, at Tabang, bilang kabayaran sa kanilang pagsasanay at partisipasyon sa mga gawaing pangkomunidad.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mga ahensya upang maitaguyod ang kabuhayan at kapakanan ng bawat mamamayan.

#LAWAatBINHIProject

#CashForWorkPayout

#CashForTrainingPayout

#PayItForwardMovement

#TogetherWeWillBeBetter

#ParaTiIliTiSantoNiño

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top