PuroKalusugan Matagumapay na Isinagawa sa Abariongan Ruar

30 Mayo 2025

Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Santo Niño sa ilalim ng liderato ni Hon. Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan at Hon. Vice Mayor AV Roxas Pagurayan, katuwang ang walang sawang suporta ng mga Opisyal ng Barangay at mga boluntaryong miyembro ng komunidad, matagumpay na isinagawa ang PuroKalusugan sa Abariongan Ruar.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng PDOHO-Cagayan sa pangunguna ni Dr. Ethel Simeon.

Ang PuroKalusugan ay ang pinakabagong programa ng DOH sa ilalim ng primary care na naglalayong dalhin ang mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan direkta sa mga prayoridad na komunidad. Ito ay nakaayon sa 8-Point Action Agenda ng DOH: “Bawat Pilipino Ramdam ang Kalusugan, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga.”

Ilan sa mga serbisyong ibinigay sa aktibidad ay ang mga sumusunod: Konsultasyong medikal, laboratoryo, pangkalusugan ng ina at bata, nutrisyon, pagbabakuna, programa sa pagpaplano ng pamilya, sanitasyon, TB at HIV screening, pagsusuri ng mga hindi nakakahawang sakit (partikular na ang altapresyon, diabetes, at mental health), at cancer screening gaya ng Visual Inspection with Acetic Acid (VIA). Nagsagawa rin ng pagbisita sa mga tahanan at konsultasyong medikal para sa mga nakaratay at may kapansanan sa paggalaw.

#PuroKalusugan

#KalusuganParaSaLahat

#SantoNiñoCares

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top