PuroKalusugan Launching Matagumapy na Naisagawa!

Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Santo Niño sa ilalim ng liderato ni Hon. Mayor Atty. Vicente G. Pagurayan at Hon. Vice Mayor AV Roxas Pagurayan, katuwang ang walang sawang suporta ng mga Opisyal ng Barangay at mga boluntaryong miyembro ng komunidad, matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang PuroKalusugan Launching.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng PDOHO-Cagayan sa pangunguna ni Dr. Ethel P. Simeon, MHO, at ni Gng. Angelica C. Obordo, DMO IV. Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ngayong araw sa Abariongan Uneg, Santo Niño, Cagayan. Personal itong dinaluhan at sinuportahan nina Vice Mayor Andrew Vincent R. Pagurayan at Punong Barangay Erwin R. Oli.

Ang PuroKalusugan ay ang pinakabagong programa ng DOH sa ilalim ng primary care na naglalayong dalhin ang mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan direkta sa mga prayoridad na komunidad. Ito ay nakaayon sa 8-Point Action Agenda ng DOH: “Bawat Pilipino Ramdam ang Kalusugan, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga.”

Ilan sa mga serbisyong ibinigay sa aktibidad ay ang mga sumusunod: Konsultasyong medikal, laboratoryo, pangkalusugan ng ina at bata, nutrisyon, pagbabakuna, programa sa pagpaplano ng pamilya, sanitasyon, TB at HIV screening, pagsusuri ng mga hindi nakakahawang sakit (partikular na ang altapresyon, diabetes, at mental health), at cancer screening gaya ng Visual Inspection with Acetic Acid (VIA). Nagsagawa rin ng pagbisita sa mga tahanan at konsultasyong medikal para sa mga nakaratay at may kapansanan sa paggalaw.

#PuroKalusugan

#KalusuganParaSaLahat

#SantoNiñoCares

#ParaTiIliTiStoNiño

Source: SNPIO

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top