Isinagawa ang isang mahalagang dayalogo sa pagitan ni Municipal Vice Mayor AV Pagurayan at ng Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) na si Jasmin Balisi upang talakayin ang pinakabagong mga kautusan at panuntunan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Layon ng pag-uusap na ito na masiguro ang maayos na implementasyon ng mga bagong polisiya sa lokal na pamahalaan, gayundin ang pagtutok sa mga programang makatutulong sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Vice Mayor Pagurayan ang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga isinusulong na proyekto at programa ng DILG at tiniyak ang aktibong pakikibahagi ng Sangguniang Bayan sa mga susunod na hakbangin.
Source: SNPIO
